AFP NAKA-‘ELECTION MODE’ NA PARA SA LUNES

afp12

(NI FRANCIS SORIANO)

MULA sa combat mode ay nasa election mode na ngayon ang atensiyon  ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan magiging prayoridad muna ang pag-secure sa halalan at second priority pansamantala ang internal security operations.

Ayon kay Chief of Staff General Benjamin Madrigal, malinaw sa kanilang mandato na magbibigay ang mga ito ng perimeter security higit sa panahon ng eleksiyon.

Pero hindi aniya ito nangangahulugan na ititigil ng AFP ang mga operasyon laban sa New People’s Army (NPA), mga local terrorist groups at private armed groups upang  walang maidedeklarang failure of elections.

Kasado na rin ang mga tropa at nakalatag na ang kanilang contingency measures sakaling magkaroon ng matinding kaguluhan.

 

287

Related posts

Leave a Comment