ANTI-CORRUPTION ITUTURO SA MGA SCHOOL

corrupt55

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL wala pa ring nangyayari sa kampanya laban sa katiwalian kahit ilang dekada na itong nilalabanan, iminungkahi ng dalawang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ituro na sa mga bata ang anti-corruption.

Ito ang nakasaad sa House Bill 581  o “Anti-Graft and Corrupt Practices Information and Education Act,” na iniakda nina House deputy speaker Bro. Eddie Villanueva at Rep. Domingo Rivera ng CIBAC party-list.

“While many have tried to eradicate corruption by furthering the stringency of laws on governance and intensifying punishment, no significant improvement has been seen so far,” ani Rivera kaya nais ng mga ito na isama na sa curriculum ng basic education ang anti-corruption at government education.

Sa ilalim ng nasabing panukala, tuturuan ang mga kabataang estudyante ukol sa kademonyohan ng katiwalian at kung paano labanan ang mga  pagnananak sa kaban ng bayan.

Dahil dito, bibigyan ang mga estudyante ng sapat na kaalaman kung papaano nagsisimula ang katiwalian at itanim sa isip ng mga ito ang kanilang karapatan at responsibilidad sa lipunan at bansa sa kabuuan.

“Thus, this bill seeks to mandate the inclusion of anti-corruption materials in the basic education curriculum to emphasize the important role of the students in the fight against graft and corruption and in nation-building. By educating the youth on the evils of corruption, the problem of corruption in the government is minimized, if not eliminated,” paliwanag ni Villanueva.

Naniniwala ang mambabatas na isa ito sa paraan upang mapagtagumpayan ang kampanya sa katiwalian sa paglaki ng mga kabataang ito na hinubog sa paglaban sa mga magnanakaw sa gobyerno.

Ginawa ng dalawang nabanggit na mambabatas ang nasabing panukala dahil hanggang ngayon ay malala umano ang bribery o panunuhol, backdoor deals at iba uri ng katiwalian, hindi lamang sa gobyerno kundi sa pribadong sektor.

Dahil dito, nakokontrol umano ang hustisya sa bansa ng iilan, hindi umaangat ang ekonomiya, lumalala ang kahirapan sa mga ordinaryong mamamayan at nawawala ang tiwala ng publiko sa gobyerno.

 

161

Related posts

Leave a Comment