BINALAAN ng Department of Health (DoH) ang publiko kaugnay sa kumakalat na maling artikulo tungkol sa gamot para sa hypertension.
Nilinaw rin ng DoH, na ang nasabing post ay hindi aprubado o rekomendado ng ahensya at na affiliated agencies nito.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang lahat na ang non-communicable diseases at comorbidities tulad ng hypertension ay maiiwasan.
Paalala nito, ugaliin ang health habits at healthy lifestyle gaya ng tamang diet at ehersisyo bukod sa iba pa.
Siguraduhin din na regular na magpatingin at komunsulta sa doktor upang maiwasan magkasakit.
Patuloy ang nasabing ahensiya sa paghimok sa publiko na kumuha ng impormasyon mula lamang sa mga lehitimong mapagkukunan at platform na maaaring ma-access sa pamamagitan ng mga link at social media handle ng ahensya.(RENE CRISOSTOMO)
292