UMAASA si Senate President Vicente Sotto III na maipapasa bago matapos ang Enero 2019 ang P3.7T budget ng national government. Ito ay makaraan ang ilang delay sa diskusyon sa plenaryo.
Sa panayam, sinabi ni Sotto na nagbakasyon na ang Kongreso noong Dec 14 nang hindi naaprubahan ang panukala, ngunit umaasa na sa pagbubukas ng Kongreso sa Jan 14 ay agad itong tatalakayin.
Tiniyak ni Sotto na isa ito sa mga prayoridad ng Kongreso at pagkatapos ay ang pag-amyenda bago isalang sa bicameral committee.
“Alam naman ng Presidente na magkakakaroon ng reenacted budget sa January, pero hopefully matapos before end of the month,” sabi pa nito.
Sinangga rin nito ang akusayon na sa panig ng Senado nagkaroon ng aberya kundi sa proseso umano ng pag-approve sa panukalang budget. Dapat sana ay natanggap na ito ng Senado noong Nov 1 ngunit Dec 1 na ito natanggap ng Mataas na Kapulungan.
130