AYUDA SA 5 PINOY SEAMEN SA NASUNOG NA BARKO

island

(NI DAVE MEDINA)

HINDI sinusukuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahanap sa nawawalang limang Filipinong tripulante ng nasunog na Chinese fishing vessel  sa Falkland Islands

Sa kalatas  sa DFA head office ni Ambassador to the United Kingdom Antonio Lagdameo , patuloy ang pakikipag-ugnayan ng  Philippine Embassy sa London authorities makaraang malaman ang pagkawala ng limang Filipino crewmen ng nasunog na Taiwanese fishing vessel noong isang araw.

Sa ipinarating na ulat ng Embassy sa DFA, hindi na nakita pa ang limang crew member ng Taiwanese fishing vessel nang masunog ito sa bahagi ng Falkland Islands sa kontinente ng South Amerika.

Ayon sa DFA, sa mabilis na pagkilos at pakikipag-ugnayan ng Embahada sa London, natiyak na  limang Pinoy ang kasama sa nawawalang mga crew ;  sa ulat ay  halos 70 mga crew members ng Taiwanese fishing vessel ang nasunog noong Pebrero 11.

Sa pagkawala ng mga tripulante, umaasa pa rin ang DFA na makukuhang ligtas pa ang nasabing mga Pinoy crew members.

Sa isang report sa DFA, sinabi ng Philippine Embassy sa London na sinusubukan pa rin nilang makakuha ng iba pang impormasyon hinggil sa naturang insidente.

Idinagdag pa ng DFA na nakikipag-ugnayan na ang mga opisyal ng Embahada sa manning agency ng mga Pilipinong seaman, gayundin sa mga otoridad sa tinukoy na bansa.

Nakahanda rin umano ang DFA na magbigay ng tulong sa mga apektadong mangingidang Filipino  at sa kanilang pamilya dito sa bansa alinsunod sa itinatakda ng batas.

 

 

177

Related posts

Leave a Comment