AYUNGIN INCIDENT ILEGAL – MARCOS JR.

BAGAMAN, hindi maituturing na armadong pag-atake ang pinakabagong insidente sa Ayungin Shoal, malinaw naman na ito’y “deliberate and illegal action” ng pwersa ng mga Tsino, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“It’s not armed, walang pumutok. Hindi tayo tinutukan ng baril but it was a deliberate action to stop our people. But in the process of that, kinuhanan tayo they boarded Philippine vessel and took the equipment from the Philippine vessel,”ang sinabi ng Pangulo sa mga mamamahayag.

“Although there were no arms involved, nonetheless it was still a deliberate action and it is still essentially an illegal action that was taken by the Chinese forces,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ng Chief Executive na kailangan na may gawin pa ang bansa kaysa iprotesta ang naging aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaang sinabi ng Malakanyang na hindi nito itinuturing na armed attack ang pinakabagong insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Ayungin Shoal.

Unang ipinahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng National Maritime Council matapos ang pagpupulong sa Malakanyang na maaaring hindi lamang nagkaintindihan o aksidente ang nangyari.

Sinasabing, ito na ang pangalawang beses na nag-convene ang National Maritime Council alinsunod na rin sa nilagdaan ni Pangulong Marcos at dahil na rin sa panibagong insidente ng pangha-harass ng China sa tropa ng AFP sa Ayungin shoal. (CHRISTIAN DALE)

38

Related posts

Leave a Comment