BAGONG FERTILIZER SCAM HIHIMAYIN SA SENADO

MAGHAHAIN ng isang resolusyon si Senador Cynthia Villar upang imbestigahan ang panibagong fertilizer scam sa natuklasang overpriced na fertilizer contract sa Department of Agriculture (DA) na nangyari sa gitna ng paglaban ng pamahalaan sa corona virus 2019 (COVID-19).

Sa pahayag, sinabi ni Villar na kanyang ipatatawag ang lahat ng agricultural stakeholders sa pagbubukas ng sesyon ng Senado sa huling Lunes ng Hulyo para sa ikalawang regular session ng 18th Congress.

Aniya, nakatakda nang maghain ng isang panukalang resolusyon ang Senate committee on agriculture and food na kanyang pinamumunuan upang magkaroon ng basehan ang komite sa imbestigasyon.

“I will look into the issue but I have to file a Senate Resolution first in order to schedule an inquiry or investigation. Congress is in recess right now and will resume on the third week of July. So I would have to wait till then,” giit ng mambabatas.

Sinabi pa ni Villar na habang wala pang imbestigasyon ang Senado, pinayuhan nito ang mga agricultural group at farmers cooperative na maghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) upang maimbestigahan ang anomalya.

“For the meantime, the agri groups and farmers can bring their concern or complaints to the State Prosecutor at the Department of Justice (DoJ),” ayon kay Villar.

Tiniyak ni Villar na kapag nagbukas ang sesyon ng Senado, bibigyan niya ng prayoridad ang imbestigasyon sa anomalya upang mapanagot ang sangkot dito. (ESTONG REYES)

76

Related posts

Leave a Comment