BALIK-GOBYERNO NG MANILA WATER, MAYNILAD, SISIMULAN NA

maynilad1

(NI BERNARD TAGUINOD)

SISIMULAN na ang kampanya para muling ibalik sa kontrol ng gobyerno ang water services sa Metro Manila at karatig lalawigan na hawak ngayon ng Maynilad at Manila Waters.

Ito ang nabatid kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kasunod ng plano ng dalawang nabanggit na water concessionaires na itaas ng 780% ang kanilang singil kung hindi babawiin ng Korte Suprema ang multang ipinataw sa kanila dahil sa hindi nila pagsunod sa Clean Water Act.

“Muli naming ipinapanawagan ang pag-review sa concessionaire agreement ng MWSS sa dalawang pribadong kumpanya sa layuning ibalik ang pampublikong kontrol sa serbisyo sa tubig sa Kamaynilaan,” ani Brosas.

Sinabi ng mambabatas na simula nang isapribado ng gobyerno ang water services, 22 taon na ang nakakaraan ay wala umanong ginawa ng Maynilad at Manila Waters kundi pagkakitaan ang mga consumers.

Ngayon, kailangang panagutin ang mga ito sa paglabag sa Clean Water Act ay gustong ipasa ang kanilang pananagutan sa mga consumers dahil magpapatupad ang mga ito ng 780% increase na tinawag ng mambabatas na “tsunami rate hike”.

“Palpak na nga ang kanilang serbisyo, gusto pa tayong lunurin ng Manila Water sa napakalaking taas-singil. They cannot simply pass on the cost of their failure to provide sewerage systems as tsunami rate hikes to consumers. We will stand with millions of households in blocking this greedy move,” ani Brosas.

Nabatid na kapag nagkataon, tataas ng P26.70 ang singil sa bawat cubic na makokonsumong tubig  ng mga consumers na isang uri ng pagpapahirap aniya sa mga tao.

Dahil dito, kailangan aniyang maibalik na sa kontrol ng gobyerno ang serbisyo sa  tubig upang maibsan aniya ang paghihirap ng mamamayan.

134

Related posts

Leave a Comment