(NI ABBY MENDOZA)
DAHIl wala namang maidudulot na mabuti, pinatitigil na ng isang senior congressman ang sagutan ng mga pulitiko ukol sa kontroberiyal na P5OM cauldron o tinawag na “kaldero” na gagamitin sa 2019 SEA Games.
Ayon kay Dasmariñas City Rep. Pidi Barzaga na sa nalalapit na SEA Games ay suporta sa mga atleta ang nais na marinig ng mga ito at hindi ang batuhan at sagutan ng mga akusasyon.
Nobyembre 30 na umano ang pagsisimula ng SEA Games na pinaghandaan ng bansa kaya dapat na isantabi na muna ang ibang isyu.
“The cauldron issue which the President has to intervene should be set aside to focus on the SEA Games and the athletes. As President Rodrigo Duterte stated, the cauldron is a work of art—an intellectual creation—which could not be the subject of exact pecuniary estimation. Let’s not to be swayed by the cauldron issue and instead focus on the biennial regional multi-sport event,”pahayag ni Barzaga.
Sa halip na ang kaldero umano ang pag-usapan ay mas mahalagang bagay ang talakayin, una na dito ang panukala nyang taasan ang cash incentives sa mga mananalong manlalaro.
Ani Barzaga ang kasalukuyang incentives para sa gold medalists sa SEA Games ay P300,000; P150,000 para sa silver medalists; at P60,000 para sa bronze medalists.
Mas mababa ito kumpara sa ibinibigay sa mga nananalo sa Asian Game at Olympics. Nabatid na sa Asian Game ay P2M ang ibinibigay sa gold medalists; P1M sa silver medalists; at P400,000 sa bronze medalists habang sa Olympics, ang gold, silver, at bronze medalists ay nakakatanggap ng P10M, P5M at P2M.
Aniya napakaliit ng incentives para sa SEA Games kaya iminumungkahi nitong itaas sa P1M ang matatanggap ng gold medalists; P500,000 para sa silver medalists; at P300,000 para sa bronze medalists.
Sakaling ang pondo kung itataas ang incentives, sinabi ni Barzaga na maaari naman na magkaroon ng realignment sa proposed 2020 budget para maitaas ang incentives sa mg atleta.
320