BAWAL CELLPHONE SA SCHOOL, ISINUSULONG SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI na maaring gumamit ng cellphone ang mga estudyante kapag nasa loob ang mga ito ng kanilang eskuwelahan.

Ito ay kung maging batas ang panukalang inihain ni Albay Rep. Joey Salceda na magbabawal sa mga estudyante na gumamit ng cellphone.

Ayon kay Salceda bagama’t may magagandang dulot ang makabagong teknolohiya, nagiging abala naman ito sa pag-aaral ng mga estudyante.

“Much like any other technological device, the use of mobile phones is Janus faced. With its many advantages, these smart devices can also cause distraction and disruption to work and school activities especially among the youth,” ani Salceda sa kanyang House Bill (HB) 3403.

Ginawa ng mambabatas ang panukala dahil base aniya sa 2019 report ng Hootsuite at We Are Social, ang mga Filipino ay umuubos ng 10:02 oras kada araw sa internet gamit ang iba’t ibang device.

Ang social media penetration sa mga Filipino ay 71 porsyento malayo sa world average na 45 porsyento dahil sa haba ng oras na inuubos ng mga ito sa kanilang gadgets.

Maliban dito, 76 milyong Filipino ang internet user at gumagamit ng social media samantalang 72 milyon ang gumagamit ng internet sa pamamagitan ng mobile device.

“This bill seeks to prohibit, with few exceptions, cellphones and other digital devices to use to access, irrespective of duration, for any student in all private and public kindergarten, elementary and secondary including senior high school educational institutions within the classroom or any area, whether or not within the school premises, where teaching lessons or activities are performed,” ani Salceda.

Maaari namang magdala ng cellphone ang mga estudyante sa school pero maaari lang gamitin ito sa oras ng emergency at kung bahagi ito ng pag-aaral.

Gayunpaman, kailangan ideposito ng mga estudyante ang kanilang mga cellphone sa eskuwelahan kaya dapat aniyang magkaroon ng device depository office ang mga school.

 

 

185

Related posts

Leave a Comment