BIDDING POWER NG DBM INALIS NA

(NI BERNARD TAGUINOD)

INALIS na ang kapangyarihan ng Department of Budget and Management (DBM) na magpa-bidding ng malalaking proyekto sa ilalim ng 2019 General Appropriations Act (GAA).

Ito ang kinumpirma ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., sa gitna ng bicameral conference meeting kasama ang mga kinatawan ng Senado sa P3.757 trilyon na 2019 national budget.

“This is one of the budget reforms that House conferees on the bicameral committee will push when the discussion on the 2019 budget resumes next week,” pahayag ni Andaya.

Magugunita na ibinuko ni Andaya na umaabot sa P198 bilyon halaga ng malalaking proyekto ang ipina-bidding ng PS-DBM at ipinagkatiwala ang trabahong ito sa mga contractual employees.

Ilegal aniya ito at panganib dahil walang expertice sa mga mahahalaga at malalaking proyekto ang mga empleyado ng PS-DBM.

“Hindi na puwede ang ginagawa ni Sec. Diokno na utusan ang DBM-PS na magsagawa ng bidding para sa bilyon-bilyong proyekto ng ibang departamento. Ang mandato ng DBM ay mag-allocate ng funds, hindi magsagawa ng bidding ng big-ticket infrastructure projects,” ani Andaya.

Subalit nilinis ni Andaya ang mga empleyado ng PS-DBM dahil sumusunod lang umano ang mga ito sa utos ng mga nakakataas sa kanila kaya kahit wala silang alam sa mga proyekto ay magpabidding ang mga ito.

Karamihan sa mga big projects na ipinabidding ng PS-DBM ay nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) na kinabibilangan ng mga tren, subbway, airport at iba pa.

Plano umano ng komite ni Andaya na pakasuhan ng “technical malversation” ang sinumang nag-utos sa mga empleyado ng PS-DBM na ipagbidding ang mga nabanggit na proyekto na umaabot sa P198 bilyon

294

Related posts

Leave a Comment