(NI HARVEY PEREZ, BERNARD TAGUINOD)
WALA pang balak ang Commission on Elections (Comelec) na isama sa mga lugar na nasa “hotspots ” at isailalim sa kontrol ang Quezon City,kasunod ng pagpaslang, Miyerkoles ng tanghali sa isang barangay chairna kakandidato bilang congresswoman ng District 2 ng Quezon City.
“Wala pang ganyang pagkilos. Kailangan muna ma-evaluate ng PNP ang sitwasyon. Tignan natin kung ano ang rekomendasyon nila,”ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.
Magugunita na pinagbabaril ng mga suspek nakasakay ng dalawang motorsiklo si Barangay Bagong Silangan chair Crisell Beltran, 47,habang nakasakay sa kanyang Ford Everest sa J.P. Rizal Street ,Quezon City dakong alas 11:40 ng umaga.
Nabatid na makakalaban ni Kapitana Beltran sa congressional election para sa 2nd District ng Quezon City ang dating aktres na si Councilor Precious Hipolito-Castelo at ex-Congresswoman Mary Ann Susano.
Si Beltran ay isinugod sa FEU-NRMF Medical Center pero idineklarang dead on arrival
Nasawi rin ang driver ni Beltran na si Melchor Salita na Isinugod naman sa General Malvar Hospital sa Diliman habang tatlo naman ang tinamaan ng ligaw na bala.
Inaalam naman ng pulisya kung pulitika o may kinalaman sa kanyang trabaho
QC IPINADEDEKLARANG ELECTION HOTSPOT
Matapos itumba ang isang congressional candidate sa ikalawang distrito ng Quezon City, ipinadedeklara ng isang mambabatas sa Kamara na isailalim sa election hot spot ang lungsod.
“I ask the Comelec and the PNP to, at the very least, designate soon the whole of Quezon City as an election hotspot, and possibly place it under Comelec control, considering the intensity of election-related violence during this current entire election cycle for the May 2019 polls,” ani Herrera-Dy.
Nagluksa si Herrera-Dy sa pagkamatay ng kanya umanong matalik na kailangan na malaki ang naitulong sa kanilang party-list sa mga nakalipas na eleksyon.
“Maraming salamat sa isang tunay at tapat na kaibigan. We will miss you and we love you Capt. Beng! We will not rest until we find who did this to you,’ ayon pa sa lady solon na dating Quezon City Councilor.
Sinusuportahan din umano ng mambabatas ang mungkahi na ihiwalay na ang national at local election
para na rin sa seguridad, hindi lamang ng mga kandidato kundi ng mga botante tuwing may halalan.
181