(NI LUISA LEIGHT NIEZ)
“ GUSTO na talaga niyang umatras dahil sa pini-pressure daw siya para paatrasin ng isang tao.”
Ito ang pinagdiinan kahapon ni PDP mayoralty candidate Bingbong Crisologo nang magtungo sa QCPD Headquarters sa Kampo Karingal, Quezon City.
Gayunman, tuloy ang pagtakbo ni Bgy. Captain Criselle ‘Beng’ Beltran dahil na rin sa kahilingan ng maraming umaasang supporters sa kanyang nasasakupan.
Ayon kay dating Rep. Crisologo, isang araw bago ma-ambush si Beltran, nag-usap umano sila dahil isang kongresista umano ang kumausap sa kanya para paatrasin siya sa kanyang pagtakbo sa ika-2 distrito.
Sinabi pa ni Crisologo na may tatlong suspek na umanong tinutututukan kung kaya nagsadya siya sa QCPD para personal na alamin ang bagong kaganapan.
Samantala, sa isang press briefing sa Kampo Karingal, sinabi ni QCPD Director PCSUPT Joselito Esquivel, Jr. na may mga person of interest na sila ngunit hindi naman nito sinabi kung sino-sino ang mga ito.
Ayon kay Esquivel , naglagay na ng 16 na mga imbestigador sa binuong ‘Task Force Beltran’ para matutukan nang husto ang imbestigasyon.
“Puwedeng pulitika, love triangle, negosyo at puwede ring related sa pagiging kapitan nito,” sabi ni Esquivel.
2 DATING KARELASYON NG BGY. CHAIRWOMAN NAGTUNGO SA QCPD
NANANATILING tikom ang bibig ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Pollice District (QCPD) sa pagkakakilanlan ng sinasabing peson of interest sa pagpaslang kay Beltran.
Kaugnay nito, inimbitahan naman ng QCPD-CIDU ang dating asawa ni Beltran, 48, na si Winston Beltran, 51 at ang isa sa naka-relasyon nito na si SPO2 Nilo Duaso, naka-assign sa Fairview Police Station 5 ng QCPD, samantala, hinihintay pa rin ng mga imbestigador na pumunta ang kasalukuyan umanong karelasyon ng chairwoman..
Hindi muna ipinakausap ng CIDU ang dalawang nakarelasyon ng kapitana dahil baka makaapekto ito sa ginagawang imbestigasyon ng Task Force.
Ayon kay QCPD Director, PCSUPT Joselito Esquivel, Jr. bumuo na sila ng special investigation task group na tututok sa imbestigasyon.
Sinabi naman ni NCRPO Chief, PDIR Guillermo Lorenzo Eleazar, na pinag-aaralang lahat ng anggulo , pero hindi isinasaisang-tabi ang motibo ng pulitika dahil nasa election period tayo at itong si kapitana ay elected official na tumayakbo bilang congressional candidate sa 2nd District ng Quezon City at tinitingnan din natin kung mako-consider ito na merong political motive.
“Asahan natin na sa mga susunod na oras o mga araw ito pong binubong special investigation task group ng QCPD ay talagang pag-aaralan ang mga pangyayari,” ayon kay Eleazar.
247