BIGTIME ROLLBACK SA PETROLYO SA SUSUNOD NA LINGGO

BIGTIME ROLLBACK

(Ni FRANCIS ATALIA)

BAGO ang ikalawang bugso ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, mayroong malakihang rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, kailangan munang magbaba ng presyo ang mga kompanya ng langis bago ipatupad ang ikalawang bahagi ng TRAIN law dahil sa pagbaha ng oil supply sa world market.

“The reason is nagkakaroon ng supply glut. So, marami pa rin ang nasa merkado na petroleum products, at ang demand ay nagkaroon ng slowdown ‘yung pagbili ng consumers worldwide,” ani Fuentebella.

Inaalam pa ng DOE ang eksaktong halaga ng itatapyas sa presyo ng produktong petrolyo habang inaantabayanan pa ang full assessment ng trading results para sa buong linggo hanggang ngayong araw.

“Gusto nating i-emphasize na i-apply muna ang rollback para ma-determine ‘yung base price bago i-apply ang excise taxes …” dagdag pa niya.

Kaugnayan nito, pinaalalahanan ng DOE ang mga kompanya ng langis na huwag ipatupad ang ikalawang bugso ng fuel excise taxes sa mga produktong petrolyo na nabili noong 2018.

Mahaharap sa administrative penalties tulad ng pagpapasara sa kanilang negosyo at sa criminal penalty ng large scale estafa ang sinumang mahuhuling lalabag.

228

Related posts

Leave a Comment