( NI FROILAN MORALLOS)
ISUSULONG ng Bureau of Immigration (BI) ang bagong style laban sa mga dayuhan na papasok sa bansa.
Ito ang pahayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente dahil sa paglobo ng mga Chinese national sa bansa.
Ito ay upang matiyak na mga ‘legitimate and properly documented foreign nationals’ ang maaaring makatuntong sa bansa, ayon pa kay Morente.
Makaraang mapansin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na dumarami ang mga chinese national sa bansa, mag mula pa nitong nakaraang taon , at ayon pa kay Esperon isa itong magiging problema o banta sa seguridad ng Pilipinas.
Kinontra naman ni Morente ang nasabi ni Esperon , sapagkat ayon sa hepe ng BI, ang pagdagsa ng mga Chinese national na ito ay isang ‘trend’ lamang sa isang ang bansa sa pinakapopular na tourist destinasyon sa Asia .
At pangalawa aniya dumami ang Chinese national dahil sa pagpasok ng Pilipinas sa online gaming industry , sapagkat karamihan sa nagiging empleyado sa gaming industry ay mga Chinese national .
Dagdag pa ni Morente ang gaming industry ang siyang nagpapasok ng malaking pera sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng online na sugal.
Samantala, ipinahihinto ni Secretary of Foreign Affairs Teodoro L. Locsin Jr. ang pag-iisyu ng visa upon arrival (VUA) sa mga foreigners, sapagkat aniya ang dapat na mag isyu ay ang consular offices.
Matatandaan na ang visa upon arrival program ay ipina-implement ng BI sa ilalim ng 2017 circular na ipinalabas ng Department of Justice (DoJ), para mapadali ang proseso at maikaakit ng mga turista at investors galing ng China.
351