BILANG NG MAG-AARAL SA BAWAT KLASE PINALILIMITAHAN

students12

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senador Grace Poe na limitahan ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase upang makatiyak na de kalidad na edukasyon ang maibibigay sa kanila.

Sa kanyang Senate Bill 1190, iginiit ni Poe na dapat magkaroon ng regulasyon para sa bilang ng mga mag-aaral sa isang klase at magkaroon ng dagdag na insentibo sa mga guro na humahawak ng mas malaking klase.

Ipinaalala ni Poe na ang edukasyon ang pundasyon ng bansa at tungkulin ng estado ang promosyonng de kalidad na edukasyon sa lahat ng antas subalit hindi naman anya nagtatapos sa paniniyak na papasok sa paaralan ang mga estudyante bagkus ay tiyaking may matutunan ang mga ito.

Lumitaw anya sa pag-aaral na  ang malaking dahilan ang dami ng mag-aaral sa klase sa kalidad ng pagtuturo at matututunan ng ga estudyante.

Gayunman, dahil sa limitadong resources, tulad ng kakapusan ng guro at silid-aralan, 70% ng mga paaralan sa Metro Manila ang nagpapatupad ng double shifts at tumatanggap ng malalaking klase.

Lumalabas na ang public elementary school’s average class size ng bansa ay 43.9 na mas malaki sa Malaysia na ay average na 31.7;  Thailand, 22.9;  Japan,  28.6 at India, 40.

Sa public secondary schools, ang average size ng klase sa Pilipinas ay 56.1; 34 sa Malaysia; 41.5 sa Thailand; 33. 9 sa Japan at 39 sa India.

Sa ilalim ng panukala, ang standard class size na hahawakan ng isang guro ay dapat na 35 na mag-aaral subalit papayagan nag large class size na hanggang 50.

Gayunman, ang mga guro na hahawak sa Large Class  size ay dapat na tumanggap ng large honorarium na katumbas ng  1.0%  ng kanyang arawang sahod.

Kung papasa ang panukala, maglalaan ng gobyerno ng inisyal na P5 bilyong pondo para sa implementasyon nito.

 

470

Related posts

Leave a Comment