BOHOL GOV SINUSPINDE NG SANDIGAN SA PDAF SCAM

(NI JEDI PIA REYES)

INIUTOS ng Sandiganbayan ang suspensyon kay Bohol Governor Arthur Yap dahil sa umano’y pagkakasangkot sa multi-bilyong pisong Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Sa ipinalabas na resolusyon ng anti-graft court, inatasan nito ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang preventive suspension ni Yap sa loob ng 90 araw.

Si Yap na dating kalihim ng Department of Agriculture, ay kapwa akusado ni dating Misamis Occidental 1st District representative Marina Clarete sa umano’y paggamit ng P62 million na PDAF sa mga kaduda-dudang non-government organizations.

Ang suspensyon ay batay na rin sa umiiral na Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“To repeat, the court has neither discretion nor duty to determine whether or not a preventive suspension is required to prevent the accused from using his office to intimidate witnesses or frustrate his prosecution or continue committing malfeasance in office,” ayon sa resolusyong nilagdaan nina Presiding Justice at Division Chairperson Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justices Bernelito Fernandez at Ronald Moreno.

Naninindigan naman si Yap na malabo na nitong maimpluwensyahan ang mga testigo o mamanipula ang mga ebidensya dahil wala na siya sa DA simula noong taong 2010 kaya’t hindi na kailangan ang suspensyon.

203

Related posts

Leave a Comment