BPI SYSTEM GLITCH POSIBLENG MAKAAPEKTO SA TIWALA NG PUBLIKO

NAKAKAALARMA para kay Senador Sherwin Gatchalian ang naranasang glitch sa sistema ng BPI.

Kasabay nito, kinalampag ni Gatchalian ang pamunuan ng bangko na magdoble kayod upang agad maibalik ang aktwal at tamang account balances ng mga kliyente nito.

Pinatitiyak din ng senador sa pamunuan ng bangko na maayos na natutugunan ang mga reklamo ng kanilang mga customer.

Sinabi ni Gatchalian na dahil sa system glitch na ito ay posibleng mabawasan ang kumpiyansa ng mamamayan sa banking system.

Dahil dito, posibleng maapektuhan ang target ng gobyerno na palakasin ang paggamit ng digital space sa financial transactions.

Sinabi ng mambabatas na dapat matiyak na ligtas at maayos ang seguridad ng pinaghirapang pera ng mga customer ng bangko upang mas marami pa ang mahikayat na makilahok sa formal financial sector.

Iginiit ni Gatchalian na ito ay mahalagang sangkap sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. (DANG SAMSON-GARCIA)

37

Related posts

Leave a Comment