BRIONES SA LGUs: HINDI EVACUATION CENTERS ANG MGA ESKUWELAHAN

briones12

NAKIUSAP si Education Secretary Leonor Briones sa mga opisyales ng  local government units na kung maaari ay iwasan na ang paggamit sa mga eskuwelahan bilang evacuation center sa panahon ng kalamidad.

Katwiran ni Briones, naaantala ang mga klase ng estudyante sa tuwing nagkakaroon ng natural disaster dahil hindi makapagklase ang mga guro kapag ginawang evacuation center.

“Panahon pa ng Mayon, sinasabi na namin na sana iwasan na ang paggamit ng school buildings as evacuation centers para hindi ma-interrupt ang classes. Kailangan makapaghanap sila ng lugar kung saan makapagpatayo ng temporary learning shelters gaya ng sa Marawi,” paliwanag ni Briones sa isinagawang paglulunsad ng  “Duterte Legacy” campaign, araw ng Biyernes, Enero 17.

Aniya, karamihan ngayon sa eskuwelahan sa Batangas ay walang pasok sanhi na rin ng patuloy na pag-alburoto ng Taal Volcano na nagdulot ng ash fall sa lugar.

“Wala silang pasok ngayon, may gap. This is why we’re trying to solve the problem of the learners whose classes have been suspended by negotiating with the local governments. Batangas alone has more than 120 schools, 168 schools for the entire region, including six private schools,” ayon sa Kalihim.

Sinabi pa ni  Briones, naaapektuhan na ang mga klase na kung sakali ay aabutin hanggang gabi para mahabol ang academic calendar.

“Sabi ng regional director namin puwede sa umaga ang klase, tapos sa gabi evacuation centers. Pero mahirap yan.  If you’re a policymaker, you have to make a choice.

There were local governments that were responsive and built multi-purpose halls, especially those along the coastlines but not every local government did that,” dagdag pahayag pa ni Briones. (Christian Dale)

103

Related posts

Leave a Comment