BROWNOUT MATATAPOS SA SETYEMBRE — NGCP

luzongrid12

(NI MAC CABREROS)

MAGTATAGAL hanggang sa buwan ng Setyembre ang mararanasang bahagyang pagkawala ng kuryente sa Luzon.

Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nakalagay pa rin hanggang nitong Martes sa yellow at red alert ang supply ng kuryente sa Luzon grid at inaasahang mag-normalize sa nabanggit na buwan.
“Luzon power situation is expected to normalize by September when hydroelectric power plants go online,” banggit NGCP.

Inianunsyo ng NGCP na manipis pa rin ang supply ng kuryente sa  Luzon grid kung saan naranasan na nitong Martes ang yellow alert ng  alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng umaga, alas-11 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon, alas-3:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon at alas-6:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi.

Naramdaman naman ang red alert alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00ng umaga at ala-1 ng hapon hanggang alas-3:00 ng hapon.

Napag-alaman ng Saksi Ngayon na ilalagay sa yellow alert ang supply kapag ang reserbang kuryente ay mas mababa sa kapasidad ng planta kung saan nasa 647 megawatts sa Luzon samantalang ililista sa red alert kung zero ancillary services o kung may generation
deficiency.

Nabatid pa na nasa 11,402 megawatts (MW) ang available capacity kumpara sa peak demand na 11,114 MW.
Inaasahan ng Department of Energy na tataas ang produksyon ng hydropower plants dahil sa malakas ang buhos ng ulan dulot ng rainy season at tatampukan pa ang pagbaba ng demand bunsod ng malamig na panahon.

 

155

Related posts

Leave a Comment