(NI ABBY MENDOZA)
SINABI ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na kanilang kukuwestiyunin sa House Plenary ang pagkakaroon ng napakalaking confidential at intelligence budget ng Office of the President kung saan ang budget umano ay mas malaki pa kaysa sa Philippine National Police (PNP) at sa militar.
Kasabay nito, tulad ng inaasahan, mabilis na natapos ang budget briefing ng Office of the President (OP) sa House Appropriations Committee.
Tumagal lamang ng 7 minuto ang deliberasyon na dinaluhan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Hindi na nagsagawa ng powerpoint presentation ng budget si Medialdea at binigyan na lamang ng kopya ng budget proposal ang mga mambabatas.
Nasa P8.2 bilyon ang budget ng OP para sa susunod na taon, mas mataas ito 21% kumpara sa P6.77B noong 2019.
Bulto ng budget ng OP o nasa P4.2 bilyon ang ilalaan sa confidential at intelligence fund.
Ang budget para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ay P6,703,201 habang sa Personnel Services ay nasa P1,070,655; at P427,462 milyon naman ang para sa capital outlay.
145