BUILDING CODE REREBISAHIN NG KAMARA 

(NI ABBY MENDOZA)

KASUNOD ng mapanirang lindol na naganap sa bansa nitong mga nakalipas na taon kung saan ang huli ay sa Mindanao, nakatakdang rebisahin ng Kamara ang National Building Code para matiyak na ang mga itatayong gusali ay nakaaayon sa mga mas malalakas na pagyanig.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano lubhang matagal na ang pinaiiral na Building Code at hindi na ito akma sa kasalukuyang panahon.

“The House would assess whether the old construction standards are still appropriate for the risks the country is facing from natural disaster. I think it’s about time we take three drastic steps. Number one, review and update the building code; number two, make sure that the body implementing it is separate from the body monitoring compliance with it,” paliwanag ni Cayetano.

Nabatid na ang kasalukuyang building code ay nakapaloob sa Presidential Decree No. 1096 na inisyu pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Feb. 19, 1977.

Plano din ng Kamara na gumawa ng batas na maglalagay ng urban planning department sa bawat local government units, ayon kay Cayetano, mahalaga na may ganitong tanggapan na syang mangangasiwa sa long-term development road map ng siyudad o bayan kasama na dito ang housing at mga kalsada.

“In Taguig City, we have an urban planner. We are planning section by section, aside from planning for the entire city. If a city or town mayor is voted out of office after one term or three years, there would be an “institutional memory on development plans if you have an urban planner,”paliwanag pa nito.

Maliban sa mga engineers ay dapat mayroon din na mga arkitekto na kasama sa pagpapatupad ng building code at LGU planning.

Dalawang magkahalintulad na panukala ang nakahain sa Kamara na isinumite nina  Deputy Speakers Mikee Romero at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., layon ng panukala na bumuo ng bagong building law na magkaroon ng regulasyon mula sa planning, design, construction, occupancy at maintenance ng mga  public at private buildings gayundin ang mga bahay at government infrastructure projects.

 

234

Related posts

Leave a Comment