BUONG MUNDO NAGDIWANG SA GUILTY VERDICT 

(NI CHRISTIAN DALE)

NAGDIRIWANG ngayon ang buong mundo dahil nagkaisang nasaksihan ang  tagumpay ng katarungan sa Pilipinas.

Ito’y matapos na “guilty” ang naging  hatol ng korte sa magkakaanak na Ampatuan sa 57 bilang ng kasong murder kaugnay sa Maguindanao Massacre.

“Today, the world celebrates as we collectively witness the triumph of justice in the Philippines with the conviction of the principal suspects in the gruesome Ampatuan Massacre — an abomination that has brought shame, uncertainty and notoriety to a country touted as the freest in terms of the practice of press freedom in particular, and democracy, in general. This will be remembered as the day that justice has prevailed and human rights for both plaintiffs and complainants have been upheld,” ang nakasaad sa Joint Press Statement ng Presidential Human Rights Committee Secretariat , Presidential Communications Operations Office at  Presidential Task Force on Media Security.

Wala aniyang duda na ang kaparusahan na inihatol sa mga perpetrators  ng nasabing karumal-dumal na krimen ay malinaw at nagbibigay ng “strong signal” sa mga powerful politician sa bansa at sa ibang bansa na ang kalayaaan sa buong bansa ay hindi pasaporte upang hindi maparusahan ang nakagawa ng krimen.

“This latest development has brought back the Philippines to the commune of nations that value, uphold and protect human rights and dignity. For there is no better way to showcase our effective democratic mechanisms than by holding criminals to account for their misdeeds,” ayon pa rin sa nagkaisang kalatas ng mga ito.

Nauna rito, Isang dekada mula nang mangyari ang krimen, naibaba na ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ang desisyon sa kaso.

Kabilang sa hinatulang guilty ang mga pangunahing akusado na sina Andal Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan at Anwar Ampatuan Sr., gayundin ang iba nilang kaanak na pawang may apelyidong Ampatuan at marami pang mga akusado na karamihan ay mga pulis.

Parusang reclusion perpetua o hambambuhay na pagkakabilanggo ang ipinataw ng korte laban sa mga akusadong napatunayang guilty.

Inatasan din ang mga akusado na magbayad ng danyos sa pamilya ng mga nasawi sa massacre.

135

Related posts

Leave a Comment