CAYETANO HAPPY SA MEDAL STANDING NG PINOY ATHLETES

(NI BERNARD TAGUINOD)

HAPPY si House Speaker at Philippine Sea Games Organizing Committee chair Alan Peter Cayetano sa medal standing ng Pilipinas sa unang apat na araw ng 30th Southeast Asia Games.

“So I’m happy about the count and praying talaga na we will succeed not only in hosting but also, our athletes will succeed in being overall champion,” pahayag ni Cayetano sa ambush interview.

Habang isinusulat ito ay nakakuha na ang Pinoy athletes ng 103 medalya na kinabibilangan ng 51 gold, 33 silver at 19 bronze at malayo ang Vietnam sa medal tally na may 75 medalya.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng coach, trainers, sa lahat ng ating atleta, sa patience nila. Maaaring maging toxic minsan ang environment pero nakatutok sila. I also have to congratulate BOC at saka POC. So of course we’re praying for the success nung games and trabaho ko rin to take care the athletes of the other countries,”dagdag pa nito.

Sinabi ni Cayetano na ito ang kanilang pangarap na maging overall champion ang Pilipinas sa Sea Games at makita ng buong mundo ang Filipino pride lalo na sobra aniya ang  pinagdaanan ng mga atleta.

Mistulang nakikinita naman si Cayetano sa alok ng Olympic Council of Asia (OCA) na ihost ng Pilipinas ang ASIAN Games sa 2030 matapos humanga ang nasabing grupo sa paghohost sa 30th Sea Games.

“I’m preparing a long memo to the President and I talk to the BOC president kagabi, kay Congressman Bambol Tolentino, he will write—and ask if we can bid and if we do win that bid, ang magho-host hindi pa nga next admin, the admin after next batch. So we will have a good ten-year period, 2020 to 2030,” ani Cayetano.

Malaking pagkakataon aniya ito sa Pilipinas kapag nangyari dahil buong Asya na ang ihohost ng Pilipinas kung saan, puwedeng gawin ang mga sport event, hindi lamang sa Luzon kundi sa Visayas at Mindanao.

“Remember in 2023, we will host the world cup ng basketball, in 2016, 2017 we hosted the world cup in volleyball. So industriya— malaking pera rin at trabaho ang papasok sa Pilipino kapag naayos ang ating sports tourism at sports-related,” ayon pa kay Cayetano.

178

Related posts

Leave a Comment