(NI NOEL ABUEL)
“CEASEFIRE na muna para sa ating mga atleta”
Ito ang muling panawagan ni Senador Christopher Bong Go sa mga patuloy na nagbabatikusan at puro puna sa mga kapalpakan ng hosting ng bansa sa 30th South East Asian Games.
Sinabi ni Go na walang maitutulong sa mga atletang Pinoy ang patuloy na bangayan at sisihan.
Una nang tiniyak ng senador na bilang Senate Committee on Sports chairman ay handa itong pangunahan ang imbestigasyon sa mga kapalpakan pero dapat ito ay pagkatapos na ng SEA games.
Siniguro ni Go na mayroong matatanggap na incentive o regalo ang mga atletang makakukuha ng medalya sa biennial meet.
Giit ni Go, kilalang galante ang Pangulo lalo na sa mga nagbibigay ng karangalan sa bansa at ang mga gumagawa ng kabayanihan tulad ng mga sundalo.
Ipinaalala rin ni Go na kamakailan lang ay nakipagkita sila ng Pangulo sa 5 atletang Pinoy na nag-uwi ng gintong medalya kung saan binigyan niya ng regalo ang mga ito.
157