(NI ABBY MENDOZA)
MASAYA ang House of Representatives sa pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema, kay Associate Justice Diosdado Peralta.
Para kay House Majority Leader Martin Romualdez deserving sa pwesto si Peralta na tiyak na magiging champion ng good governance at magsisilbing tagapagdala ng liwanag upang palaging mangibabaw ang Saligang Batas.
Naniniwala ito na lalong magkakaroon ng intellectual leadership sa SC sa liderato ni Peralta.
Sinabi naman ni Deputy Speaker Mikee Romero, tulad ng nagretirong si Chief Justice Lucas Bersamin isa ring bihasa sa batas si Peralta at nakatitiyak na malaki ang maitutulong para masiguro ang patas na interpretasyon ng batas.
Tiwala naman si Ako Bicol Rep. Alredo Garbin, Jr. na makapagpapatupad ng mga reporma sa justice system si Peralta lalo at may 2 taon itong magiging Chief Justice.
Umapela rin ito kay Peralta na sa ilalim ng pamumuno nito ay mapunan na ang malaking bilang ng mga bakanteng posisyon sa mga korte.
“The country needs more courts and much better ways to reduce case backlogs throughout the judicial system. Filipinos deserve a court system that makes full use of modern technologies and has more people out in the field to dispose of pending cases which cause congestion in our jails,” pagtatapos pa ni Garbin.
154