CLOUD SEEDING ISASAGAWA SA ANGAT DAM

seed123

(NI JESSE KABEL)

KAHIT na nakararanas na ngayon ng malalakas na pag-ulan bunsod ng thunderstorm dulot ng tag init ay ikinakasa ngayon ng gobyerno ang cloud seeding operation kung saan sa darating na linggo ay magkakaroon ng cloud seeding sa ibabaw ng Angat Dam sa Bulacan.

Ayon sa  National Water Resources Board (NWRB), isasagawa ang cloud seeding sa mga apektadong lugar base sa ilalabas na forecast ng Pagasa sa mga nabangit na areas .

Paglilinaw ng NWRB, nakadepende ang tagumpay ng cloud seeding sa tamang klase ng ulap para maging “seedable” sa gagawing operasyon.

Sa kasalukuyang takbo ng panahon ay  patuloy ang nakikitang  pagbaba ng water level ng mga pangunahing dam sa Luzon.

151

Related posts

Leave a Comment