(NI HARVEY PEREZ)
TINANGGAL sa serbisyo ng Supreme Court (SC), ang isang clerk of court at isang sheriff ng korte matapos mapatunayan na lumabag sa rules of court.
Napapaloob sa magkaibang curiam decisions ng SC nalaman na si Lou D. Laranjo, Clerk of Court II, ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC), ng Lugait-Manticao-Naawan, Misamis Oriental ay napatunayang guilty sa kasong grave misconduct at serious dishonesty.
Inalisan din ng retirement benefits si Laranjo at diniskiwalipika na makapaglingkod sa anumang pampublikong tanggapan, maliban sa naipon niyang leave credits.
Isinampa ang reklamo laban kay Laranjo sa ipinadalang report sa Office of the Court Administrator ni MCTC Presiding Judge Renato T. Arroyo, kung saan inireklamo na kinuha nito ang computer ni MCTC Court Stenographer I Neza L. Malinao at ibinalik sa Munisipalidad ng Naawan, Misamis Oriental, na unang nagdonate nito sa korte.
Ang computer files umano ni Malinao ay naglalaman ng sensitibong impormasyon tulad ng mga pagkakilanlan at testimonya ng mga confidential agents at informants sa search warrant applications kaugnay sa illegal drug cases.
Sinabi ng SC na hindi umano makatwiran at hindi awtorisado ang ginawa ni Laranjo dahil ang computer ay kinuha ng gabi at itinapat na weekend.
Inirekomenda ng Office of the Court Administrator (OCA) ang pagdismiss sa tungkulin kay Laranjo matapos pagduduhan ang kanyang tunay na intensiyon sa paglabas sa computer ikinonsidera pa ang naunang pag-aresto sa kanya dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Kaugnay nito, inalis din sa tungkulin ng SC si Alan C. Javier, Sheriff IV, ng Regional Trial Court (RTC)-Office ng Clerk of Court, Tanauan City, Batangas na napatunayan guilty sa kasong grave misconduct, dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of service. Tinanggalan din ng SC ng benepisyo at habambuhay na ban sa anumang tanggapan sa gobyerno.
Kinatigan ng SC ang report ng OCA na nakakuha ng sapat na ebidensiya laban kay Javier na lumabag sa
Section 10 Rules of Court dahil sa pagso solicit at pagtanggap ng pera sa complainant na si Roman P. Trinidad.
Ayon sa SC ,ang kasong grave misconduct at dishonesty ay may katapat na parusang pagkasibak sa tungkulin.
144