(NI MINA DIAZ)
INIHAYAG ng National Movement for Free Election (NAMFREL) na hindi nila iboboykot ang Commission on Elections ( Comelec).
Ayon kay Namfrel chair Augusto “Gus” Lagman, bagaman hindi sila binigyan ng Comelec ng full accreditation, mananatili ang kanilang responsibilidad sa bayan sa darating na midterm elections.
Una nang ibinasura ng Namfrel ang Comelec accreditation para sa data access.
Samantala, nagbabala naman si Mata sa Balota spokesperson Dr. Michael Aragon laban sa mga naglabasang mga ulat na umano’y magkakaroon ng anarkiya o civil war dahil sa posibleng pagkakaron ng failure of elections sa Lunes.
Kailangan lamang ay suportahan ang Comelec para gampanan ang kanilang tungkulin.
142