CSC NAGLABAS NG MGA BAWAL SA CHRISTMAS PARTY

(NI ABBY MENDOZA)

NAGPAALALA ang Civil Service Commission (CSC) sa mga kawani ng gobyerno na magdaos lamang ng mga simpleng parties at tiyakin na walang solicitation na gagawin at iinom ng mga nakalalasing na inumin.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, itinatakda sa 2011 CSC resolution na bawal ang magarbong Christmas parties gayundin ay ipinagbabawal ang pag-inom ng alcoholic beverages sa government premises tuwing office hours.

“Number 1, bawal ho yung mga alcohol within government offices, premises. So kahit na sa parking lot or yung nasa field offices. Exceptions lang po, kung may mga ceremonial toast. In case the Christmas party will be conducted during office hours, Dapat meron ho tayong skeletal force na naiiwan para maasikaso rin yung mga pumupunta sa ating opisina,”paliwanag ni  Lizada.

Dagdag pa ni Lizada na dapat ay hindi labis ang party at ito ay naayon sa COA guidelines.

“Usually they allocate a certain amount for ganitong klaseng celebration. But it has to be within COA (Commission on Audit) guidelines. Kasi magbi-bidding ka ng pagkain. Huwag ho exorbitant, huwag unnecessary expenditures. Just a simple celebration,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Lizada na bawal na bawal din ang pagsosolicit ng mga raffle prize sa private sector.

Kung mapapatunayan umano na nagsosolicit ay maaaring makasuhan ng graft case.

 

208

Related posts

Leave a Comment