(NI BERNARD TAGUINOD)
IDINAAN na ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isang resolusyon ang panawagan sa Social Security System (SSS) para ibigay na ang ikalawang tranche ng pensyon ng kanilang miyembro na sobrang delay na umano.
Sa House Bill No.6 na ihinain ni Baguio City Rep. Mark Go, nais nito na mismong ang Kongreso na ang manawagan sa SSS na ibigay na sa lalong madaling panahon ang kulang pa ng mga ito sa pensiyon ng kanilang mga retiradong miyembro.
“Our pensioners were awaiting the release of the second tranche of increase in their monthly pension which was already approved by the President and was supposedly due this year based on the approved Joint Resolution of Congress,” ani Go.
Magugunita na inaprubahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso noong 17th Congress ang Joint Resolution No.10 para dagdagan ng P2,000 ang pensiyon ng mga SSS members.
Unang ibinigay ang P1,000 noong Enero 2017 tulad ng nakasaad sa JR No.10 at ang natitirang P1,000 ay dapat naibigay na noong Enero 2019 subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito ibinibigay ng SSS.
“The SSS should not further delay the implementation and release of the next round of pension increase. This will alleviate the poor condition of our pensioners who are receiving meager monthly pension to support their health care requirements,” dagdag pa ng mambabatas.
449