DAGDAG NGIPIN SA LGUs IBIBIGAY VS KRISIS SA TRAPIKO

traffic

(NI NOEL ABUEL)

NAIS bigyan ng dagdag na kapangyarihan ng Senado ang mga local government units (LGUs) upang makatulong sa national government sa paghahanap ng solusyon sa masalimuot na daloy ng trapiko sa bansa.

Sa pamamagitan ng panukalang inihain ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino, iminungkahi nito na bumuo ang mga LGU ng kanilang sariling mga sistema ng transportasyon.

“Dapat nating tulungan ang mga LGU upang malutas ang mga problema sa loob ng kanilang sariling nasasakupan.”

“LGUs do not only possess a mastery of their own mobility demands, but also institutional memory of local policies addressing local transport problems as well as local transport needs within their jurisdiction,” dagdag nito.

Si Tolentino, na dating nagsilbi rin bilang alkalde ng Tagaytay City at chair ng Metropolitan Manila Development Authority, ay nagpahiwatig na ang mga LGU ay pinagkalooban ng kapangyarihan na magsagawa ng pagpaplano sa lungsod, magpatupad ng paggamit ng lupa at pag-zone ng mga batas at hanapin  ang kinakailangang pondo, sa ilalim ng batas.

“No other government body is more empowered and equipped to tackle the traffic crisis than the LGU, which is endowed with all of the powers under the Local Government Code,” giit ni Tolentino.

 

147

Related posts

Leave a Comment