DECRIMINALIZATION NG LIBEL, HINDI MADALI

AMINADO si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi madaling isulong ang decriminalization ng kasong libelo.

Reaksyon ito ni Sotto sa panawagan sa kanya ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na isulong na ang decriminalization ng libel.

“Let’s decriminalize libel, Senate President Sotto. The money damages alone are far, far, far, far more painful,” saad ni Locsin sa Twitter.

Alinsunod sa Revised Penal Code, ang kasong libelo ay may parusang anim na buwan hanggang anim na taong pagkabilanggo.

Maging sa Cybercrime Prevention Act of 2012, o Republic Act No. 10175, nakasaad din ang pagpapataw ng parusa sa mga kasong libelo sa pamamagitan ng Internet.

Sa komento ni Sotto kay Locsin, sinabi nito na “I wish it were that easy. Grandpa was the author of the 1946 Press Freedom Law. Unfortunately, Lying (libel) is found in the Ten Commandments.”

Tinukoy ng senador ang Republic Act No. 53, o ang tinatawag na Sotto Law na nagbibigay proteksyon sa mga journalist na hindi pangalanan ang kanilang mga source. (DANG SAMSON-GARCIA)

73

Related posts

Leave a Comment