DEPED HIRAP SA ‘MALA-SARDINAS’ NA SITWASYON NG MGA ESTUDYANTE

CLASSROOM12

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY EDD CASTRO)

AMINADO ang Department of Education (DepEd) na may kahirapang masolusyunan ang kakulangan ng silid-aralan.

Gayunman, sa kabila nito, may ilang ding gusaling eskuwelahan na usad-pagong sa pagpapatayo habang ang iba ay tuluyan nang inabandona sa hindi malamang kadahilanan tulad ng sa Bagong Silangan High School sa Quezon City.

Ayon kay Undersecretary Jesus Mateo, kakulangan ng espasyo o kawalan ng lupang mapagtayuan ng bagong gusali ang pangunahing dahilan ng nasabing problema.

Bagama’t ganito, aniya, pinagsisikapan nila sa tulong ng local government executives  na makahanap ng lupang mapagpatayuan ng panibagong gusali.

Dahil wala nang espasyo para mapalawak ang kasalukuyang gusali, gumagawa ng paraan ang mga kinauukulan para madagdagan ng silid-aralan sa itaas o ibabaw ng kasalukuyang gusali o vertically.

Aminado rin si Usec. Mateo na sadyang hindi maiiwasan ang pagsisiksikan ng maraming bata sa isang silid-aralan o mala-sardinas na kalagayan

“Ang may problema ay sa malaki ang populasyon at mataas ang enrolment. Pero sa kabuuan ng bansa, maganda pa rin ang teacher to students ratio,” wika Usec. Mateo sa panayam ng media.

Binanggit nito nasa 1:28 ang ratio ng guro at estudyante sa elementary; 1:40 sa junior HS at 1:38 sa SHS.
Naiulat na ‘makeshift classroom’ at paghahati sa dalawang shift ang pasok ng mga bata, ang solusyon ng DepEd sa mala-sardinas na sitwasyon sa ilang lugar sa bansa.

Samantala, inihayag Benjo Basas, national chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition na “gawing aksyon ang pahayag” ng Malacanang hinggil sa pagkakaloob ng umento sa sahod ng mga guro upang hindi maging pangakong napako at maghihintay na nakatunganga ang mga huli.

 

260

Related posts

Leave a Comment