DEPEKTIBONG LPG AALISIN SA MERKADO

0

(NI NOEL ABUEL)

DAHILsa kabi-kabilang sunog na sanhi ng mga depektibong liquified petroleum gas (LPG) na ibinebentang ilegal sa mga pamilihan, iminungkahi ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng isang National Policy at Regulatory Framework para sa lokal na industriya.

Inihain ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, ang Senate Bill No. 1188 o An Act Providing for the National Energy Policy and Regulatory Framework for the Philippine LPG Industry.

Layunin ng batas na palakasin at i-streamline ang mga batas at regulasyon na nakasasakop sa lokal na industriya ng LPG.

“Itong panukalang batas na ito ay hindi lamang magsusulong ng reporma sa industriya ng LPG sa bansa, bagkus, ito rin ay naglalayong matugunan ang iba pang problema na may kinalaman sa seguridad, kaligtasan, kalusugan at pangkalikasan. Layunin din natin na tiyakin ang kapakanan ng ating mga kababayan,” ani Gatchalian.

Base aniya sa datos ng Department of Energy (DOE), 53% o 49,174,460 na mga Pinoy noong 2011 ang gumagamit ng LPG para sa pang araw-araw na pangangailangan.

Sa pagtatala ng DOE, tumaas ng 10.4% taun-taon ang pagbili o consumption ng LPG mula 2007 hanggang 2017.

Sa panukala ni Gatchalian, inaatasan ang DOE na manguna sa pagpapatupad ng batas, kabilang na ang pag-reregulate, pag-supervise, at pagbabantay sa lahat ng kasama sa LPG Industry. Binibigyang pangil ng batas na ito ang DOE para isulong ang striktong pagsunod sa pamantayan ng kalidad at kaligtasan na nakasaad sa Philippine National Standards o PNS.

Nakasaad pa sa nasabing panukala na ang lahat ng LPG players na kumuha ng license to operate mula sa DOE bago makapagsimula ng kanilang operasyon.

Ang naturang lisensya na ibibigay ng DOE ay magtatagal ng tatlong taon. Nakasaad din sa batas na kabilang sa sinasabing illegal acts ang hoarding, underfilling, illegal refilling, at pag-operate ng walang karampatang lisensya.

Sinuman ang lumabag sa batas ay magmumulta mula P5,000 hanggang P10 milyon depende sa nilabag na gawain. Maaari ring mabawi ang lisensiya, ma-impound ang produktong LPG at makulong ang mga hindi susunod sa batas.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment