DFA KUMIKILOS VS DINUKOT NA 2 PINOY SA CAMEROON PORT

(NI ROSE PULGAR)

PATULOY na minomonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng dalawang tripulanteng Pinoy na kasama sa walong kinidnap sa Cameroon port nitong Miyerkoles.

Base report na nakarating sa DFA, sakay ang walong seafarers, kasama ang dalawang Pinoy sa Greek-flagged oil tanker, nang dukutin ang mga ito.

Sa ngayon ay wala pang impormasyon ang DFA kung anong grupo ang dumukot sa mga biktima.

Nakikipag-ugnayan ang embahada ng Pilipinas sa mga awtoridad sa Abuja na siyang nakasasakop sa Cameroon upang tiyakin ang kaligtasan ng dalawang Pinoy seafarers at mailigtas din ang mga ito.

 

155

Related posts

Leave a Comment