DFA SA MGA PINOY: ‘WAG PASAWAY SA TRIPOLI

liba123

(NI DAVE MEDINA)

PINAYUHAN  ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga nakabakasyong Filipino rito sa bansa na huwag na munang bumalik sa Tripoli, Libya dahil sa tumitinding kaguluhan ngayon sa nasabing bansa.

Kasabay nito ay pinag-iingat na mabuti ngayon ng DFA ang mga Filipino sa 100 kilometrong radius ng kapitolyo ng  Tripoli dahil sa lumalalang  tensyon doon.

Pinaalalahanan din ang mga Pinoy na huwag lumapit sa kaguluhan.

Ipinaalala rin ang kahilingan ng Philippine Embassy sa Libya sa may 1,000 Filipino naninirahan sa Tripoli na manatili muna sa kanilang mga bahay, iwasan ang mga pagtitipon sa komunidad, mag-ipon ng mga pagkain, tubig at mahahalagang pangangailangan at sumunod sa anumang makakabuting tagubilin ng kanilang mga employer sa naturang bansa.

Mayroon din umanong  paghahanda ang Embassy doon para sa reptriation ng mga Filipino dito sa kanilang mga pamilya.

Kasalukuyang dalawang administrasyon ang nagpapatakbo sa Libya; isa rito ang pwersa ni Field Marshal Khalifa Haftar na kumukontrol sa 66 porsiyento  ng Libya.

Si Haftar ay nag-utos sa kanyang mga sundalo na salakayin ang Tripoli upang kunin ang kabuuang renda ng gobyerno at yanigin ang mga karibal na militiamen.

74

Related posts

Leave a Comment