‘Di matunton ng PNP tracker teams BANTAG, ZULUETA MAILAP PA RIN

SA kabila ng mga ulat na nasa Baguio si suspended Bureau of Corrections Director Gen. Gerald Bantag, hindi pa rin ito natutunton ng mga itinalagang tracker team mula sa Philippine National Police (PNP).

Maging ang kapwa nito person of interest na si BuCor Senior Supt. Ricardo Zulueta ay hindi pa rin matukoy ng pulisya ang kinaroroonan.

Dahil dito, palaisipan pa kung sisipot ang dalawa sa Department of Justice building sa Maynila sa darating na Nobyembre 23 at Disyembre 5 para sa preliminary investigation kaugnay sa kasong pagpatay sa veteran broadcaster na si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, bago pa inilabas ang subpoena laban sa mga ito ay may nakatutok nang pwersa ang kapulisan para sila ay tuntunin.

Samantala, itinanggi ng kapatid ni Lapid na nakatanggap sila ng mensahe mula kay Bantag na nais umanong makipagdayalogo para magbigay-linaw sa mga akusasyon dito.

32

Related posts

Leave a Comment