DIOKNO ILULUBOG SA KINURAKOT

diok

(Ni ABBY MENDOZA)

UMARANGKADA na ang imbestigasyon ng House Committee on Rules sa mga mananomalyang alokasyon ng Department of Budget and Management(DBM) sa ilalim ng 2019 budget, sa Avenue Plaza sa Naga City sa pangunguna ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr.

Gaya ng inaasahan no-show sa pagdinig si Budget Secretary Benjamin Diokno na nagbakasyon sa bang bansa.

Dumalo naman ang may ari ng Construction firm na si Consolacion Tubuhan Leoncio.

Matatandaan na ang  C.T Leoncio ang tinukoy ni Andaya na nakakuha ng malalaking flood control projects sa Sorsogon,Catanduanes,Samar,NCR,Pangasinan,Tarlac,Bulacan,Davao City,Camarines Sur at Pangasinan sa gayong sole proprietorship lamang ito.

Aalamin ng Kamara kung paanong nakakuha ng malalaking proyekto ang kumpanya at ang koneksyon nito kay Diokno.

Aalamin din ng Kamara ang P555M infrastracture projects na sinasabing napunta sa balae ni Diokno sa Casiguran,Sorsogon na sina Casiguruhan mayor Edwin Hamor at Sorsogon Vice Gov. Ester Hamor.

Sa pagsisimula ng pagdinig sinabi ni Andaya na ipinatawag ng kanyang komite ang pagdinig upang malaman ang mga mali sa ginagawang practice ng DBM.

Iginiit din nito na hindi sina Pangulong Rodrigo Duterte at DPWH Sec. Mark Villar ang nasa likod ng budget insertion kundi si Diokno lamang.

Sa kanyang opening statenent ipinakita ni Andaya ang mga datos na maraming mga proyekto tulad ng flood control project ang napunta sa lugar na hindi naman ito kailangan.

Sa loob umano ng tatlong taon ni Diokno ang budget secretary aabot na sa P332B ang ginagamit para sa mga flood control projects.

 

DBM LUMABAG SA GUIDELINES AT PROCEDURES

 

Sinabi ni Andaya na maraming paglabag ang DBM sa ilalim ni Diokno,aniya, kumikilos at naglalaan ng DBM ng mga flood control at infrastracture projects nang hindi sumusunud sa regulasyon ng DPWH.

May P200B umano ang inilaan sa flood control projects mula 2017 at 2018 ay P119B pa ang inilaan sa 2019. Binuhusan umano ng flood control projects ang mga lugar na hindi naman binabaha at mismong mga mambabatas ang umamin na may mga “parked funds” sa kanilang distrito na para sa proyektong hindi naman nila nalalaman.

 

238

Related posts

Leave a Comment