KATRINA GUSTONG INGUDNGOD SI JENNYLYN

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

HALOS  lahat na ng aktres sa GMA ay “naapi” o “natarayan” na ni Katrina Halili na isang mahusay na kontrabida. Kaya kagulat-gulat ang sagot niya sa tanong namin kung sino pa ang gusto niyang pag-kontrabidahan sa mga artista ng GMA. “Si Jennylyn.

“Hindi pa kami nagsasama… ang unang sama namin kakatapos lang ng StarStruck, ‘Forever in My Heart’.

“Magkalaban kami dun pero batang-bata pa kami nun.”

Si Jennylyn Mercado ang Ultimate Female Survivor sa unang season ng StarStruck at ka-batch niya si Katrina na isa naman sa mga “avengers” or runners-up sa naturang artista search ng GMA.

Kaya bongga kapag magsasama silang dalawa sa isang teleserye bilang mortal na magkalaban.

“Try natin ngayon.”

“Ang dami ko ng nakasama, Marian [Rivera], Angel [Locsin], Heart [Evangelista], Yasmien [Kurdi], Carla [Abellana]. Halos lahat na…

“Si Jennylyn na Starstruck pa, ha? Si Jennylyn pa talaga ‘yung hindi ko pa nakakasama.”

Gusto ba niyang ingudngod si Jennylyn sa isang intense na eksenang awayan kung sakali?

“Hindi naman, pero naiisip ko kasi, parang ang dami ko ng naka…may rivalry ako na kung sino-sinong mga stars…mga big stars ng GMA, di ba? Pero si Jen na kasama ko pa talaga sa StarStruck, kami ‘yung hindi pa nagsasama.”

Kaya wish ni Katrina na mangyari iyon.

21

Related posts

Leave a Comment