DIOKNO SINISI SA KORUPSIYON SA DPWH

diokno17

(NI BERNARD TAGUINOD)

GINAGAWANG ‘institusyon” ni Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil ayaw nitong abandonahin ang kanyang cash-based budgeting.

Ito ang pahayag ni House Committee on appropriation Chairman Rolando Andaya Jr., matapos malaman na ipatutupad pa rin umano ni Diokno ang cash-based budgeting ngayong 2019.

Ayon sa kongresista, noong panahon ni dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson ay inabandona nito ang nasabing sistema dahil nagiging dahilan lang umano ito ng katiwalian at naisasakripisyo ang kalidad ng mga infrastructure projects .

“Malinaw po ang sinasabi rito (ni Singson). Sa halip na labanan ang korupsyon, lalong titindi at lalaganap ito dahil sa cash-based budgeting system ni Sec. Diokno. This will institutionalize corruption in the DPWH,” ani Andaya.

Sa ilalim ng cash-based budgeting, ang mga budget sa mga imprasktura ay kailangang magastos sa loob lang ng isang taon o kailangang makumpleto ang proyekto sa loob ng isang taon lang.

Upang magawa ang cash-based budgeting na ito,, ibinaba umano sa P50 Million ang kontrata sa mga proyekto mula sa dating P150 Million kaya imbes na maayos ang mga ginagawang proyekto  ay naging substandard dahil tanging ang mga maliliit na kontratista na walang kagamitan ang nakakakuha ng kontrata.

“And who will benefit? “Small ill-equipped suppliers/contractors” just like Aremar Construction, which is partly-owned by Sec. Diokno’s son-in-law,” ayon pa kay Andaya.

Ginawa na aniya ito sa United Kingdom (UK) at alam ito ni Diokno pero ipinilipit pa rin ang naabing sistema kaya huwag na aniyang magtaka kung maging institusyon na ang katiwalian sa DPWH projects at mga substandard ang mga proyekto.

Kinastigo rin ni Andaya si Diokno dahil nagmaang-maangan ito sa P100 bilyon na hindi binayaran ng DPWH noong 2018 na, ayon sa mambabatas, ay isang sistema ng katiwalian dahil ang mga hindi maglalagay na kontratista ay hindi mababayaran.

239

Related posts

Leave a Comment