TIMEOUT; DUTERTE FAM HK GETAWAY

hk

(NI CHRISTIAN DALE)

PANSAMANTALANG tinakasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang tambak na trabaho sa loob at labas ng Malakanyang.

Kasama ang kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña at ang kanilang anak na si Kitty ay nagpunta ang pamilya Duterte sa HongKong para ipagdiwang ang birthday ni Honeylet.
For rest and recreation ang idinahilan ni dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go kung bakit nagtungo ng Hong Kong si Pangulong Duterte at ang mag-inang Honeylet at Kitty.

Layunin aniya ng weekend getaway ng Pangulo at ng kanyang pamilya ay para time-out muna ang Chief Executive sa dami ng kanyang trabaho at mabigyan ng panahon ang kanyang mag-ina .

Ani Go, hindi na ito bagong isyu dahil nagawa na ito noon ni Pangulong Duterte kaya naman nagawa niya uling pagbigyan ang kahilingan ng anak na si Kitty bilang regalo.

Samantala, bago umalis ang Pangulo ay itinalaga niya si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang Officer-in-Charge at siya ding OIC sa operasyon sa Office of the President.
Matatandaang noong nakaraang taon ay nagtungo din sa Hong Kong si Pangulong Duterte kasama ang kanyang mag-ina para mamasyal at magpahinga.

Naispatan din ang Pangulo na nagsa-shopping sa Uniqlo shop sa World Trade Centre sa Causeway Bay bandang alas-6 ng gabi kasama ang kanyang bodyguards.

136

Related posts

Leave a Comment