DOH: 50% IBINABA NG BIKTIMA NG PAPUTOK

paputok

(Ni KEVIN COLLANTES)

IPINAGMALAKI ng Department of Health (DoH) na mahigit kalahati o 50% ang ibinaba ng bilang ng mga fireworks-related injury (FWRI) na naitala nila sa bansa ngayon, kumpara sa kahalintulad na reporting period noong nakaraang taon.

Ito’y may dalawang araw pa bago salubungin ang Taong 2019.

Sa inilabas na pinakahuling FWRI report ng DoH, natukoy na nasa 43 na ang kabuuang bilang ng mga nabibiktima ng paputok sa bansa, mula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 5:59 ng umaga ng Disyembre 29.

Ayon sa DoH, tatlong bagong kaso pa ng mga nasugatan dahil sa paputok, ang naitala nila mula sa Regions 1, II at V, kaya’t nadagdag ito sa 40-kaso na naitala nila kamakalawa.

Gayunman, ipinagmalaki naman ng DoH, na mas mababa pa rin ito ng 51%, mula sa dating naitala nila sa kahalintulad na reporting period noong taong 2017.

20

Related posts

Leave a Comment