(NI BETH JULIAN)
MAHIGPIT na nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa nga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa patuloy na dinaranas na kakapusan ng suplay ng tubig.
Sa pagdalo ng Pangulo sa campaign rally ng PDP Laban sa Cagayan, sinabi nito na dismayado siya dahil hindi pinaghandaan ng MWSS ang mga epekto ng El Nino phenomenon.
Giit ng Pangulo, may ilan taon nang nananatili sa MWSS ang mga opisyal nito subalit hindi nalulutas ang alam na namang nilang problema sa suplay ng tubig.
Dagdag pa ng Pangulo, maraming magagaling na mga engineers sa bansa ang pwede niyang ipalit sa mga opisyal at may una na rin itong banta na kanyang kakanselahin ang kontrata ng mga water concessionaire ng MWSS.
149