(NI BETH JULIAN)
KUNG sa mga naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito makikiaalam kung sino ang iluluklok na House Speaker, may posiblidad nang mabago ang desisyon nito kapag hiningi ang kanyang tulong para maresolba ang isyu.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, may posibilidad na makialam na ang Pangulo kapag mismong ang mga nagtutunggaling kandidato bilang House Speaker ang lumapit sa kanya para maresolba ang usapin.
“Well, gaya nga ng sinasabi ko palagi, you make a stand but when circumstances changed then you alter your stand. Lahat ng posisyon ni Presidente with respect to like this matter is subject to change without prior noticed eh kung hindi sila nagkakasundo at lumapit sila kay Presidente para pagkasunduin sila, wala rin sigurong masama kung tumulong si Presidente sa kanilang ma-resolve pero that’s not interference dahil kung sila mismo ang lumapit at humihingi ng tulong to resolve, how can you call that interference. Kung the President will engaged or obliged them, eh hindi natin alam,” ayon kay Panelo.
Pero paglilinaw ni Panelo, kung ang Pangulo lamang ang masusunod ay mas gusto ng Chief Executive na magbakbakan na lamang ang mga ito.
“Labu-labo kayo na ang bahala. May the best man win. Iyon ang sinabi niya hindi ba?” wika pa Panelo.
Una nang nakipagkita sina Davao City Mayor Sara Duterte at Davao City Representative Paolo Duterte sa tatlong kongresista na tumatakbo bilang House speaker.
Ayon kay Rep. Paolo Duterte, naging maayos at maganda ang kanilang pakikipag-usap kina Rep. Martin Romualdez, Rep. Lord Allan Velasco at Rep. Alan Peter Cayetano kung saan tinalakay nila ang mga usaping may kinalaman sa pag-unlad ng bansa at ang pag anunsyo ni Pulong sa pag atras nito sa speakership race sa Kamara.
118