EBIDENSIYA SA P2-M SUHOL PINALULUTANG KAY CARDEMA

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG magkalinawan, dapat nang maglatag ng ebidensya si dating National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema laban kay Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guazon na humingi umano ng P2 milyon kapalit ng pag-apruba sa kaniyang nominasyon  sa Duterte Youth party-list.

Ito ang hamon ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran, spokesperson ng Party-list Coalition Foundation Inc (PCFI) na pinamumunuan ni 1PACMAN party-list Rep. Mikee Romero.

“Where’s the proof. Ang hirap mag-akusa na walang ebidensya kasi mawawalan ka ng kredibilidad,” pahayag ni Taduran kaya dapat aniyang ilatag ni Cardema ang kanyang mga ebidensya.

Kailangan din aniyang pangalanan ni Cardema ang sinasabi nitong “bagman” ni Guanzon na isang babaing kongresista dahil lahat silang babae sa Kamara ay malamang na pagdudahan.

“Name it. Napakaraming Congresswoman. Sino sa amin dito,” ayon pa kay Taduran  upang mabigyan ito ng pagkakataon na makapagsalita taliwas nangyayari ngayon na naghuhulaan ang mga tao kung sino ang bagwoman na ito.

Ganito rin ang hamon ni ACT party-list Rep. France Castro kay Cardema dahil tiyak na pagsususpetsahan ang lahat ng mga congresswoman ngayong 18th Congress.

Sa ngayon ay umaabot sa 75 ang bilang ng mga congresswoman sa Kamara na kinabibilangan ng 14 na mula sa party-list group at 61 na district congresswoman.

“Huwag kaladkarin ang lahat ng kababaihan dito sa Congress. Pangalan mo na lang kung sino yang tinutukoy mo,” ani Castro kay Cardema.

Hindi nagkomento ang dalawang mambabatas sa plano ni Cardema na sampahan ng impeachment case si Guanzon at mayroon na umanong mag-eendorso dito dahil sa katuwirang ayaw ng mga ito na pangunahan ang bagay na ito.

172

Related posts

Leave a Comment