ECONOMIC MANAGERS HINAMON MAMUHAY NG P71/DAY

poorfood12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINAMON ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang mga top officials ng Malacanang , partikular na ang mga economic managers, na mamuhay ng P71.50 kada araw upang malaman ng mga ito kung anong buhay ang dinaranas ng mga mahihirap na mamamayan.

Ginawa ni Brosas ang nasabing hamon matapos kontrahin ang report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nabawasan ng 5 milyon  ang bilang ng mga mahihirap na Filipino noong 2018.

Base sa PSA report, mula sa 28.8 million na mahirap noong 2015 ay naging 23.1 na lamang ito noong 2018 na ayon kay Brosas ay insulto sa mga nanay na hirap na hirap na pagkasyahin ang P71 na budget kada araw.

“We dare Malacanang and other top officials to try living on their manufactured P71.50 poverty threshold and see if they still have the energy to twist the reality at the end of the day. This is an insult to mothers who struggle in making the family’s measly budget suffice,” ani Brosas.

Ibinase ng PSA ang kanilang pag-aaral dahil maraming Filipino umano ang kumikita ng P10,481 kada buwan kaya nakaahon ang mga ito sa kahirapan pero sinabi ni Brosas na katumbas ang ito ng P71.50 na budget kada araw sa 5 miyembro ng pamilya.

Ayon sa mambabatas, hirap na hirap pa rin hanggang ngayon ang mga mamamayan dahil sa epekto ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na sinimulang ipinatupad noong 2018.

Naging dahilan aniya ang batas na ito sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasama na ang bigas na hanggang ngayon ay hindi pa umano bumababa ang halaga ng mga ito at sinasabayan pa ng pagtaas ng bayarin sa serbisyo publiko.

“This tall tale of an improving economy under Duterte hardly masks the daily miserable grind of ordinary Filipinos, who are faced with steep prices, depressed wages, rampant contractualization, messy transport systems, and privatized social services,” ani Brosas.

 

124

Related posts

Leave a Comment