EU, BELGIUM AATRAS SA PAGTULONG SA MGA NGOs

eu1

(NI JG TUMBADO)

IBINUNYAG ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang European Union (EU) at ang bansang Belgium ang nasa likod ng umanoy pagpopondo sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamamagitan ng front nitong ilang non-government organizations (NGOs).

Ito ang kinumpirma ni AFP deputy chief of staff for civil military operations Brig. General Antonio Parlade Jr. na mismong mga opisyal ng EU at pamahalaan ng Belgium ang nagkumpirma sa pagtulong sa ilang NGO sa bansa.

Sila na rin umano ang nagsabi na kaagad nilang ititigil ang pagbibigay ng pondo sa ilang NGO makaraan ang ginagawang evaluation dahil sa ibinigay sa kanilang ulat ng militar.

Ilang opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang nakapulong kamakailan ng mga kinatawan ng Belgium at EU.

Posible umanong inakala ng EU at Belgian government na mga lihitimong grupo sa bansa ang kanilang kaugnayan pero lingid sa kanilang kaalaman na front organizations ang mga ito ng komunistang grupo.

Bukod sa pangongolekta ng revolutionary tax, sinabi ng grupo na abala rin ng mga samahang kaalyado ng Communist Party of the Philippines sa paghingi ng foreign funding.
Kailangan umano ang malaking pondo para patakbuhin ang kanilang organisasyon kasama na ng ilang partylist groups lalo’t papalapit na ang halalan sa national midterm elections sa bansa.

164

Related posts

Leave a Comment