P30-M ‘SHABU’ NASAMSAM SA CEBU

cebu city

UMAABOT sa P30 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpisa sa isang lalaki sa buy-bust operation sa C. Padilla St., Barangay Duljo-Fatima, Cebu City, Biyernes ng gabi.

Nahuli rin ng mga tauhan ng Mambaling Police Station ang isang lalaki na siyang target ng operasyon.

Bumili umano ang poseur-buyer ng shabu sa suspect nang dambahin ito ng awtoridad. Nang inspeksiyonin ang dalang bag nito, nakita ang iba pang pakete ng shabu na may kabuuang halaga ng P30 milyon.

Sinabi ni Duljo-Fatima Barangay Councilor Milo Arenas, wala umano sa listahan ng kanilang Barangay Anti-Drug Abuse Council ang suspek kaya’t naniniwala silang bago ito sa kanyang operasyon.

Gayunman, posible rin umanong tao ito ng malalaking sindikato at ginagamit upang mailigaw ang awtoridad na matukoy ang mga nasa likod nito.

88

Related posts

Leave a Comment