EU: WALANG PERANG NAIPASOK SA CPP- NPA

eu1

(NI MAC CABREROS)

ITINANGGI ng European Union ang deklarasyon ng administrasyong Duterte na pinopondohan ng una ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Sa mensaheng nakarating ng Saksi Ngayon, itinanggi ng EU na mayroong perang napasok sa bulsa ng rebeldeng grupo. Bilang patunay, ayon sa mapagkatiwalaang source, kinukonsidera ng EU ang CPP-NPA bilang teroristang grupo kaya’t malayong susuportahan nila ito.

Idinagdag ng source na inimbestigahan nila ang sinasabing napunta sa mga rebeldeng grupo ang pondo ng isang non-government organization ngunit walang nakitang ebidensya o patunay.

“Responding to the allegations put forward by the Philippine Government in January against a specific Philippine NGO, the EU conducted an audit of the funds from the EU that allegedly were funneled from that NGO to the NPA or the CPP, but has so far not been able to verify the allegations,” diin ng source.

Idinagdag nito na natanggap ng EU nitong Marso 28 lamang ang mga dokumentong nagdedetalye at nagpapatunay sa nasabing alegasyon.

“On March 28, the EU received a set of documents concerning the more specific allegations by the Government. The EU now will verify and evaluate these documents. A financial audit by an
external company is due to be conducted in April,” pagtatapos ng source.

Naging laman ng balita ang hiling ng administrasyong Duterte sa EU na itigil ang pagpopondo sa mga rebeldeng grupo.

Samantala, inihayag ng Information Bureau ng CPP na bahagi sa selebrasyon ng kanilang anibersaryo ang pagsasagawa ng opensiba laban sa gobyerno.

134

Related posts

Leave a Comment